Home NATIONWIDE 11 patay sa landslide sa resort sa Georgia

11 patay sa landslide sa resort sa Georgia

GEORGIA – Patay ang 11 katao sa landslide na tumama sa isang mountain resort town ng Shovi sa Georgia.

Ito ang iniulat ng Ministry of Internal Affairs ng nasabing bansa nitong Biyernes, Agosto 4.

Ang landslide ay tumama sa resort sa Racha region, na kilala sa mineral water nito.

Makikita sa drone footage ang pagbalot ng makapal na putik, mga troso at iba pang debris.

Ayon naman kay Georgian Prime Minister Irakli Garibashvili, mahigit 10 pa rin ang nawawala.

Nagpapatuloy naman ang rescue operations hanggang sa kasalukuyan. RNT/JGC

Previous articleSC naglabas ng bagong COVID health advisory sa mga korte
Next article60% pagtaas sa kaso ng leptospirosis naitala sa Ilocos