Home NATIONWIDE SC naglabas ng bagong COVID health advisory sa mga korte

SC naglabas ng bagong COVID health advisory sa mga korte

MANILA, Philippines – Nagpalabas ng bagong health protocols sa mga Korte sa bansa ang Korte Suprema matapos tanggalin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang state of public health emergency sa buong bansa kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Sa Memorandum Circular No. 271-2023 ni Supreme Court (SC) Court Administrator Raul Villanueva, tanging ang mga hinihinala at symptomatic COVID-19 patients ang kinakailangan na dumaan sa antigen testing.

Maaaring isagawa ang antigen tests sa kanilang bahay o sa mga clinic at ospital.

Ang positive antigen test result na ginawa sa bahay ay kailangan i-validate sa pamamagitan ng RT-PCR result.

Sa sandaling magpositibo sa sakit, kinakailangan ito mag-isolate sa loob ng limang araw.

Nakasaad sa circular na kailangan makakuha ang nagpositibo na judge o tauhan ng fit to work certification mula sa isang doktor.

Maaari ring humingi ng antigen test ang mga judge sa mga bumibisita sa mga hall of justice.

Bagaman optional na ang pagsusuot ng face masks, maaring iobliga ng isang hukom ang pagsusuot ng face mask sa kaniyang sala.

Inatasan ng Office of the Court Administrator ang lahat ng Judge at Clerks of Court na maging mapagmatyag at imonitor ang kalusugan ng kanilang mga staff at agad iulat kung may kawani na symptomatic o may COVID-19. Teresa Tavares