Home NATIONWIDE Below-normal rainfall ibinabala ng PAGASA sa El Niño

Below-normal rainfall ibinabala ng PAGASA sa El Niño

MANILA, Philippines – Patataasin ng El Nino ang posibilidad ng below-normal rainfall conditions sa Pilipinas sa kabila ng mga pag-ulan na dala ng habagat sa bansa.

Ito ang ibinabala ng PAGASA sa abiso nito na ang naturang climate phenomenon na inaasahang tatagal hanggang sa unang bahagi ng 2024, ay magdudulot ng tagtuyot sa ilang lugar sa bansa.

“However, enhanced southwest monsoon season (habagat) is still expected, which may result in above-normal rainfall conditions over the western part of the country,” ayon sa PAGASA.

Sinabi pa nito ng maraming lugar sa Pilipinas ang nakaranas ng near-average hanggang above-average mean surface air temperatures nitong Hulyo.

Ang ilang lugar pa nga sa Luzon ay nakapagtala ng hanggang 38 degree Celsius na temperatura habang ang Metro Manila ay may average na 37 degree Celsius.

“Moreover, six stations had surpassed their highest recorded extreme temperature for July. These were observed in Clark, Port Area, Sangley Point, Daet, Malaybalay and Zamboanga City stations,” pagbabahagi ng PAGASA.

Pagtaya naman ng ahensya, ang habagat, localized thunderstorm at dalawang bagyo ngayong Agosto ay posible pa ring makaapekto sa Pilipinas.

Inaasahan naman ang near normal rainfall conditions sa malaking bahagi ng bansa habang ang ilang lugar sa kanlurang bahagi ng Luzon ay makararanas ng above-normal rainfall.

“The probabilistic forecast also suggests higher chances for above
normal rainfall conditions in Luzon, while near to above normal in the Visayas and Mindanao,” sinabi ng PAGASA.

Malaking bahagi rin ng Luzon at Mindanao ay makararanas ng average hanggang above average surface air temperatures, habang ang Visayas ay magkakaroon ng below hanggang near average temperature. RNT/JGC