Home NATIONWIDE 60K nagparehistro sa 2026 BSKE, BARMM polls

60K nagparehistro sa 2026 BSKE, BARMM polls

192
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit 60,000 ang bilang ng mga nagpa rehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) at sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa pinakahuling datos ng Commission on Elections nasa kabuuang 63,360 indibidwal na ang nakapag rehistro para sa 2026 BSKE at Bangsamoro parliamentary elections mga binubuo ng 31,192 babae at 31,552 lalaki.

Nakapagtala ang Lanao del Sur ng pinakamataas na bilang ng registrants na umabot sa 15,936, sinundan ito ng Maguindanao del Norte na may 13,585; Maguindanao del Sur na may 9,636 at Basilan na may 9,494.

Sa Tawi-Tawi, nakapagtala ng 7,686 registrants kabilang ang 616 na nag-sign up sa Register Anywhere Program (RAP) sites sa probinsya.

Samantala, ang Special Geographic Area (SGA) sa Cotabato ay nakapagtala ng pinakamababang bilang ng registrants na may 7,023.

Ipinapatuloy ng Comelec ang voter registration sa autonomous region noong Pebrero 9. Ang registration period ay orihinal na iniskedyul na matatapos sa Marso 30 ngunit pinalawig ng hanggang Marso 31. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here