MANILA, Philippines – Tumanggap ng tulong pinansyal ang mga tricycle driver sa San Juan City mula sa programang “Cash Relief Assistance para sa mga Tsuper” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Marso 17, 2026.
Nagbibigay ang programa ng ₱5,000 sa bawat benepisyaryo upang makatulong sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Kabuuang 621 driver ang nakatakdang makatanggap ng ayuda, lalo na sa gitna ng pagtaas ng oil prices na may kaugnayan sa giyera sa Middle East. DANNY QUERUBIN