Home METRO Pananampalataya, sandigan ng OFWs sa gitna ng krisis — Obispo

Pananampalataya, sandigan ng OFWs sa gitna ng krisis — Obispo

139
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino, Overseas Filipino Workers at Filipino Migrants na higit pang manalig sa Panginoon sa pagharap ng sambayanan sa mga suliranin sa ekonomiya dulot ng digmaan sa Middle East.

Ipinaalala ng Obispo sa mga OFW na mahalagang maging mahinahon at manalig sa Diyos upang maipagpatuloy ang pagtataguyod sa pangangailangan ng pamilya sa Pilipinas.

Pinayuhan ng Obispo ang mga OFW na huwag mawalan ng pag-asa dahil kahit kailan hindi magwawagi ang kasamaan sa kabutihan .

Ayon pa kay Bishop Pabillo, maraming OFW ang nagtatrabaho sa Gitnang Silangan na apektado ang trabaho at pinapadala sa kanilang pamilya habang tumataas naman ang presyo ng langis dito sa bansa at susunod na rin ang mga bilihin.

Pero paalala ng Obispo, ihanda ang sarili pero huwag mawalan ng pag-asa at lilipas din ang problemang ito.

Hinikayat din ng Obispo ang mga Pilipino na mamuhay ng payak at lalu pang payabungin ang pananampalataya sa panginoon.

Tinitiyak ng Obispo na kailanman ay hindi pababayaan ng panginoon ang kanyang sambayanan laban sa anumang uri ng krisis.

Sa datos ng Department of Migrant Workers, umaabot sa dalawang milyon ang bilang ng mga OFW na apektado at maaring nanganganib ang buhay sa Middle-East dahil sa pag-usbong ng digmaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here