Home NATIONWIDE Epekto ng Middle East crisis sa ekonomiya, susuriin ng Senado

Epekto ng Middle East crisis sa ekonomiya, susuriin ng Senado

133
0

MANILA, Philippines – Naghain si Senador Win Gatchalian ng Senate Resolution No. 348 upang siyasatin ang epekto ng nagpapatuloy na sigalot sa Gitnang Silangan sa ekonomiya at fiscal target ng bansa.

“Mahalagang malaman kung ang kasalukuyang kundisyon sa merkado ay nananatiling tugma o naaayon sa pambansang budget at tukuyin kung kailangan ng mga pagsasaayos sa fiscal policy upang matiyak na nananatili itong tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan,” ani Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Finance.

Ayon sa pagtataya ng Department of Economy, Planning, and Development (DepDev), maaaring umakyat ang inflation ngayong taon sa 4%-4.2%, mas mataas sa 3.6% na forecast bago ang giyera, kung ang presyo ng langis ay aabot a $100 kada bariles ngayong buwan at mananatiling higit sa $80 hanggang Mayo.

Maaari pang tumaas ang inflation sa 4.5%-4.8% kung ang presyo ay papalo sa $140 kada bariles ngayong buwan at mananatiling lampas sa $80 hanggang Setyembre, paliwanag ng senador.

Tinataya rin ng DepDev na maaaring bumagsak ang padalang pera ng mga OFW o remittance nang hanggang 65.3% mula sa antas ng 2025, na katumbas ng P226.58 bilyon, kung magpapatupad ng deployment ban at 10% na pagpapauwi sa mga apektadong OFW.

Ang ganitong sitwasyon ay maaaring magpababa sa gross domestic product (GDP) ng bansa nang hanggang 0.20%-0.30% kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa DepDev. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here