MANILA, Philippines – Nagtipon ang mga healthcare workers kasama si “Nurse Susie” sa isang programa para sa Women’s Month sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City nitong Marso 17, 2026.
Pinangunahan ng grupong BAN Toxics ang panawagan para sa “Toxics-Free Hospitals” at mas maayos na pamamahala ng healthcare waste upang mabawasan ang pagkalat ng mapanganib na kemikal.
Ayon sa mga campaigner, mahalaga ito upang mas maprotektahan ang kaligtasan ng mga pasyente, healthcare workers, waste workers, at ng publiko. DANNY QUERUBIN