Home NATIONWIDE Vietnamese timbog sa drogang pinalaman sa kanin

Vietnamese timbog sa drogang pinalaman sa kanin

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaking Vietnamese dahil sa diumano’y pagbebenta ng mga ilegal na droga na itinago sa isang plastik na bag ng kanin.

Nahuli ang suspek ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) Organized and Transnational Crime Division (OTCD) matapos niyang ibigay ang plastik na bag sa isang motorcycle courier.

Bagamat mukhang bigas lang ang laman, natuklasan ng mga awtoridad ang mga sachet ng ketamine at ecstasy sa loob.

Sa isang follow-up operation, dalawang kababaihang Vietnamese ang inaresto sa isang motel sa Pasay.

Ayon kay NBI OTCD executive officer Mark Santiago, ginagamit ang mga ito sa pagbebenta ng ilegal na droga at kadalasan ay naghihintay ng mga kostumer sa lugar.

Ang kanilang mga kostumer ay karaniwang mga kababayan nilang Vietnamese o mga Chinese na kumokontak sa kanila gamit ang messaging apps o social media.

Nahaharap ang mga naarestong Vietnamese sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) at Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175). Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa NBI Detention Facility sa Muntinlupa. RNT