MANILA, Philippines – Nakauwi na sa Pilipinas ang 17 na Filipino seafarers na kasama sa hinostage ng Iran-backed Houthis sa Yemen sa loob ng mahigit isang taon ay bumalik na sa Pilipinas.
Ang mga seafarer ay miyembro ng crew ng isang komersyal na barko na kinubkob ng Houthis noong Nobyembre 2023.
Dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong Huwebes ng alas-9:31 ng gabi.
Pagdating nila, sinalubong sila ng mga pangunahing opisyal ng gobyerno, kabilang ang Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Transportation Secretary Jaime Bautista, at Health Secretary Teodoro Bautista.
Ang pagpapalaya ng seafarers ay sumabay sa ceasefire sa digmaan ng Gaza sa pagitan ng Israel at ng militanteng grupong Hamas.
Ayon sa ulat ng Al Masirah TV na pag-aari ng Houthis, bahagi ang pagpapalaya ng mga seafarers sa kanilang pakikiisa sa Gaza at sa kasunduan sa ceasefire. Sinabi ni Houthi leader Abdul Malik al-Houthi na handa pa silang kumilos kung lalabag ang Israel sa ceasefire. RNT