Home NATIONWIDE 63-anyos na lola binoga sa bunganga, dedbol!

63-anyos na lola binoga sa bunganga, dedbol!

PANGASINAN-Tigok ang isang 63-anyos na babai matapos barilin sa bunganga ng isang lalaki sa Brgy. Nancapian, Malasiqui ng lalawigang ito nitong Martes ng umaga, Abril 22.

Ayon sa Malasiqui MPS, ang biktima ay residente ng naturang lugar.

Base sa pahayag ng menor de edad na pamangkin ng biktima na nakausap ng mga rumespondeng PNP personnel, habang nasa loob sila ng kanilang sari-sari store ay dumating ang isang lalaking nakasuot ng white helmet with bonnet.

Kumatok umano ang suspek at nagsabing bibili ng tsitsirya.

Nang ilapit ng biktima ang kanyang ulo sa maliit na bintana ng kanyang store para tingnan ang bumibili, bigla na lang siyang binaril sa bunganga ng suspek gamit ang cal. 45 pistol

Matapos barilin ang biktima, agad na tumakas ang suspek.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang lalaking bumaril sa biktima. Rolando S. Gamoso