Home METRO High-value target sa Caloocan timbog sa P2.1M tobats

High-value target sa Caloocan timbog sa P2.1M tobats

CALOOCAN CITY — Nahuli ang isang high-value target na kilala sa alyas na “Boss,” 54, sa Barangay 176, Caloocan City sa isinagawang buy-bust operation noong Pebrero 24.

Ayon sa Caloocan City Police Station (CCPS) at Northern Police District – Drug Enforcement Unit (NPD-DEU), nasamsam mula sa suspek ang 320 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,176,000, isang itim na sling bag, at ang buy-bust money.

Naganap ang operasyon dakong 4:27 a.m. sa nasabing barangay na nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa suspek.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT