Home NATIONWIDE BI tutulong sa imbestigasyon sa pagdukot sa British school stude sa Taguig

BI tutulong sa imbestigasyon sa pagdukot sa British school stude sa Taguig

(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na rin ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa pagdukot sa isang bata sa British School sa Bonifacio Global City Taguig kamakailan.

Sa Meet the Press Weekly Forum ng National Press Club, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na wala pa silang impormasyon ngunit kanila ng inaalam ang mga posibleng sangkot sa kaso.

Dagdag pa ni Sandoval, inaalam na rin ng BI kung may kinalaman sa POGO operation ang pagdukot sa isang bata.

Bukod sa NBI at PNP, nais ding malaman ng Immigration Bureau kung may dayuhan bang sangkot sa naturang insidente.

Sinabi ni Sandoval na Malaki ang social cost sa Pilipinas ng nasa likod nito dahil pati bata ay nagawang dukotin.

Sa ngayon ayaw sabihin ng BI kung saang aspeto sila magsasagawa ng imbestigasyon pero naglaan na sila ng mga tauhan para rito.

Tuloy din ang kanilang koordinasyon sa PNP, NBI at mismong pamilya ng bata at driver nito. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)