Kinasuhan ng grave misconduct at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) si Congresswoman Mary Mitzi Cajayon-Uy ng 2nd District ng Caloocan City dahil sa umano’y pamimigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Ayon sa complainants na isang uri umano ito ng bribery at maling paggamit ng pondo ng gobyerno.
Sa walong (8) pahinang joint complaint-affidavit ng mga complainant na sina Elaine Manalang Bautista, dating barangay kagawad at residente ng Caloocan City, at Jose Eduardo Miranda Carlos residente ng Rizal St. Caloocan City.
Ayon sa reklamo, inamin umano ni Rep. Cajayon-Uy publicly sa multi live video sa kanyang Facebook page na siya ay nagsagawa ng pamimigay ng aktibidad ng AICS payouts sa kanyang mga constituent sa District 2 ng Caloocan, na isa umanong paglabag sa ethical and legal standards bilang isang public official, ayon sa complainants.
Nabatid pa sa reklamo na sinabi din umano ng solon sa kanyang Facebook na nagbigay din umano siya ng “gifts” sa mataas na opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak na mabibigyan umano sila ng prioridad sa AICS payouts.
Ipinunto ng complainants na ang aksyon na ito ay paglabag umano sa grave misconduct at paglabag sa Section 3€ ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).
Idinagdag pa nina Bautista at Carlos na ang mga taga Caloocan ay naghahanap ng pananagutan at transparency sa pagggamit ng publikong pondo na binibigyang-diin ang kahalagahan ng mabuting pamamahala at ang paglaban sa katiwalian.
Igiiniit ng mga complainant ang aktibong paglahok ng kongresista sa AICS implementation at umano’y panunuhol sa mga opisyal ng DSWD ay hindi tamang ehemplo bilang elected official.
Samantala, sinabi naman ng Comelec sa isang pahayag na wala silang magagawa sa ngayon sa paglahok ng mga politiko sa pamamahagi ng ayusa na tulad ng sa AICS. Santi Celario