Home HOME BANNER STORY 64% Pinoy pabor sa anti-political dynasty bill — survey

64% Pinoy pabor sa anti-political dynasty bill — survey

188
0

MANILA, Philippines – Halos dalawang-katlo ng mga adult na Pilipino ang sumusuporta sa pagpasa ng batas na magbabawal sa political dynasty sa bansa, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na inilabas noong Marso 13.

Sa 1st Quarter 2026 “Ulat ng Bayan” survey na isinagawa mula Pebrero 27 hanggang Marso 2, lumabas na 64% ng mga Pilipino ang pabor sa batas na magbabawal sa political dynasties sa pulitika ng Pilipinas. Samantala, 17% ang tutol at 19% ang hindi pa nakakapagpasya.

Pinakamalakas ang suporta sa Metro Manila (69%), rest of Luzon (74%), at Visayas (73%). Ngunit sa Mindanao, mas hati ang opinyon: 32% ang pabor, 39% ang tutol, at 29% ang hindi sigurado.

Batay sa antas ng pamumuhay, 70% ng Class ABC at 66% ng Class D ang sumusuporta sa panukala. Sa Class E, halos magkapantay ang resulta—36% ang pabor at 41% ang tutol.

Ipinakita rin sa survey na 76% ng mga sumusuporta o hindi pa sigurado sa pagbabawal ng political dynasty ang nais na saklaw nito ang parehong national at local elective positions.

Bukod dito, marami ring sumusuporta sa mga limitasyon sa paghawak ng posisyon ng magkakamag-anak:

–69% pabor na ipagbawal ang magkamag-anak na maghawak ng parehong local post nang sunod-sunod

–69% din ang pabor sa kaparehong limitasyon sa national posts

–70% ang pabor na ipagbawal ang mga kamag-anak na sabay na humawak ng national at local positions

Lumabas din na 70% ng respondents ang pabor na limitahan sa dalawang miyembro ng pamilya lamang ang maaaring tumakbo sa isang halalan—isa sa national position at isa sa local post.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults na edad 18 pataas sa buong bansa. Mayroon itong ±2.8% margin of error sa 95% confidence level. Ayon sa Pulse Asia, ang survey ay isinagawa nang independiyente at hindi kinomisyon ng anumang partido. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here