Hawak na ng PNP ang tatlong suspek sa pagpatay kay negosyanteng Anson Que at sa kanyang driver na si Armanie Pabillo.
Kinilala ng pulisya ang tatlong suspek na sina Ricardo Austria David, Raymart Catequista, at David Tan Liao na kinasuhan ng kidnapping for ransom with homicide.
Sinabi ng pulisya na ang suspek na si David Tan Liao, isang Chinese national, ay kusang sumuko at umamin sa krimen.
Huling nakita ang mga biktima noong Marso 29 at natagpuan ang kanilang bangkay noong Abril 9 sa Rizal.
Pinaniniwalaang pinatay sila sa isang bahay sa Meycauayan, Bulacan.
“We discovered that this crime had been planned months in advance, starting as early as January this year,” ayon PNP Spokesperson and Police Regional Office III Director Brigadier General Jean Fajardo.
May dalawang Chinese pa na sangkot na kasalukuyang pinaghahanap.
“They were also present during the time the victims were held inside the house. These two were with David Tan Liao himself. So aside from the two Filipino suspects, there were a total of five individuals present when the victims were detained,” ani Fajardo.
“May tinitignan po kaming anggulo na possible po na POGO related po ito. but maliban pa po doon ay meron pa po kami isa pang anggulo na we have a very solid lead na tinitignan na hindi lang kidnapping for ransom ang pakay ng grupo na ito noong kuhanin po nila si Ginoong Anson Tan,” dagdag oa ng opisyal.
Nagpasalamat naman ang pamilya Que kay Pangulong Marcos at sa PNP sa mabilis na aksyon. Santi Celario