
MANILA, Philippines — Idineklara ng Philippine National Police (PNP) na “generally peaceful” ang paggunita ng Holy Week sa kabila ng 28 insidenteng naitala sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa isang media readout nitong Biyernes Santo, iniulat ng PNP na 16 sa mga insidente ay kaso ng pagkalunod mula sa iba’t ibang rehiyon. Dalawa namang vehicular accidents ang naiulat sa Metro Manila at Cagayan Valley.
