MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang P101 milyong halaga ng marijuana (kush) na nakatago sa limang balikbayan box sa Tondo, Manila.
Ang mga kahon ay ipinadala mula Thailand at dumating sa Manila International Container Port.
Ang kush ay nakalagay sa 138 heat-sealed na plastic bag na may kabuuang timbang na 72,000 gramo.
Habang-buhay na pagkakabilanggo at multa na hanggang P10 milyon ang kahaharapin ng nagpadala at tumanggap ng mga kahon dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Isasailalim sa pagsusuri sa laboratoryo ang mga nasamsam na marijuana. RNT