
NAVOTAS CITY — Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas malinis at mas luntian na lungsod ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamamagitan ng pormal na pakikipagkasunduan sa Green Antz Builders, Inc. para sa pagpapatupad ng plastic waste recovery program.
Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Green Antz General Manager Elinor Quilas ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) noong Lunes. Layunin ng kasunduan na pahusayin ang pamamahala ng basura, lalo na ang pagbawi at pagproseso ng basurang plastik sa lungsod.
Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang Green Antz ng:
-Makinarya at teknolohiya para sa waste recovery,
-Pagsasanay sa tamang paghihiwalay ng basura,
-Suporta sa pagpapatakbo ng Material Recovery Facility (MRF),
-At pagkolekta ng malinis at tuyong plastik mula sa MRF.