Nagdaos ang mga tropa mula sa Pilipinas, Estados Unidos, at Australia ng 9th Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa West Philippine Sea (WPS) noong Martes.
Layunin ng pagsasanay na paigtingin ang koordinasyon at kakayahan sa operasyon ng tatlong bansa.
Kabilang sa mga aktibidad ang Communications Check Exercises (COMMEX), rotary flight operations/vertical replenishment, Division Tactics (DIVTACS), at Photo Exercises (PHOTOEX).
Nagsagawa rin ng air patrols at anti-submarine warfare (ASW) drills. Nagpadala ang Pilipinas ng BRP Antonio Luna (FF151), AW159 anti-submarine helicopter, tatlong FA-50PH fighter jets, at Philippine Air Force SAR assets.
Sumama naman ang HMAS Sydney mula sa Australia, habang ang US ay nag-deploy ng F-16 at F-18 fighter jets at long-range bombers.
Ipinahayag ng AFP na ang pagsasanay ay mahalaga sa pagpapalakas ng collective defense posture at seguridad sa rehiyon. RNT