Home METRO Inarestong drug suspect utas, 3 parak sugatan sa disgrasya

Inarestong drug suspect utas, 3 parak sugatan sa disgrasya

Isang drug suspect ang nasawi, habang tatlong pulis ang sugatan nang mabangga ang kanilang patrol car sa isang poste at malaglag sa taniman sa Barotac Viejo, Iloilo.

Naaresto ang suspek sa isang buy-bust operation noong nakaraang gabi.

Nangyari ang insidente habang dinadala ang suspek at mga nakumpiskang droga sa gitna ng malakas na ulan.

Isasagawa ang imbestigasyon upang alamin kung may kailangang baguhin sa proseso ng pagsasagawa ng mga operasyon laban sa droga. RNT