Home HOME BANNER STORY Job creation, food security pangunahing alalahanin ng voters —SWS

Job creation, food security pangunahing alalahanin ng voters —SWS

MANILA, Philippines – Lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), ang paglikha ng trabaho at seguridad sa pagkain ang nananatiling pangunahing alalahanin ng mga botante.

Ipinakita ng survey na isinagawa mula Abril 11 hanggang 14, 2025, na 93% ng mga Filipino ang susuporta sa mga kandidato na nagtutulak para sa pagpapalakas ng mga oportunidad sa trabaho at pag-unlad ng agrikultura upang matiyak ang seguridad sa pagkain.

Kasama rin sa mga pangunahing isyu ang pagpapalakas ng healthcare, pagpapabuti ng karapatan ng mga manggagawa, pagbabawas ng kahirapan, at pagtugon sa epekto ng pagbabago ng klima.

Binanggit ni Stratbase president Dindo Manhit na ang mga Filipino ay nakatutok sa katatagan ng ekonomiya dahil sa epekto ng inflation sa araw-araw na sahod at mga pangunahing serbisyo.

Hinikayat niya ang mga botante na pumili ng mga lider na may konkretong plano para sa paglikha ng trabaho at paglago ng ekonomiya. RNT