Home METRO P34.8M shabu, ecstasy nasabat sa NAIA, Clark

P34.8M shabu, ecstasy nasabat sa NAIA, Clark

MANILA, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang ₱34.8 milyon halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa NAIA at Port of Clark.

Noong Hunyo 14, nahuli sa NAIA ang 4,368 gramo ng shabu mula sa isang pasaherong galing Malaysia, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱29.7 milyon.

Natuklasan ito sa routine baggage check gamit ang x-ray, K-9, at pisikal na inspeksyon. Inaresto agad ang suspek.

Noong Hunyo 4 naman, nasabat sa Port of Clark ang 3,004 ecstasy tablets na nagkakahalaga ng ₱5.1 milyon.

Nakalagay ito sa mga pouch na itinago sa dog food upang makaiwas sa x-ray detection. Ang mga droga ay mula Paris, France.

Ipinasa ang lahat ng nasabat sa PDEA para sa imbestigasyon. Nahaharap ang mga sangkot sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10863.

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, patunay ang mga nasabing operasyon sa bisa ng pagtutulungan ng mga ahensya, at patuloy ang kampanya laban sa smuggling. RNT