MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakadakip sa isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) at pito pa noong Hunyo 13 sa Agusan del Sur.
Sa kabuuan, umabot na sa 44 ang mga nahuling hinihinalang rebelde mula Enero hanggang Hunyo 12.
Samantala, isang miyembro ng NPA ang napatay sa isang 15-minutong sagupaan sa Barangay Pinanag-an, Borongan, Eastern Samar noong Hunyo 15 matapos magsumbong ang mga sibilyan tungkol sa pangingikil ng grupo.
Noong Hunyo 9, nagkaroon din ng engkuwentro sa San Jose de Buan, Samar sa pagitan ng 30 hinihinalang kasapi ng NPA at tropa ng 8th Infantry Division.
Ayon sa AFP, humihina na ang puwersa ng rebelyon. Sa loob ng anim na buwan, 776 katao ang sumuko, 44 ang napatay, 419 na armas at 257 anti-personnel mines ang nasamsam, at 80 kampo ng NPA ang nawasak. Santi Celario