MANILA, Philippines – Nakikipagtulungan ang Metropolitan Manila Development and Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) at mga kumpanya ng telekomunikasyon para makapagpadala ng real-time na email at SMS alerts sa mga lumalabag sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Sinabi ni kay Atty. Victor Nuñez ng MMDA Traffic Enforcement Group na gagamitin ang contact details na ibinibigay tuwing car registration renewal.
Kasunod ito ng paglulunsad ng “May Huli Ka 2.0” na website kung saan maaaring tingnan ng mga motorista kung may violation sila.
Naka-develop na rin ng app version na ilalabas sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.
Nagsimula na ring magpadala ng violation notices ang MMDA matapos ang masusing pagsusuri ng mga nahuling paglabag sa kamera. Santi Celario