Home NATIONWIDE 66 senatorial candidates maglalaban-laban sa 2025 poll

66 senatorial candidates maglalaban-laban sa 2025 poll

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na 66 na aspirante ang maglalaban-laban para sa 12 senatorial posts sa May 2025 midterm polls.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na ang mga pangalan ng mga kandidato ay iimprenta sa mga opisyal na balota.

Aniya sa susunod na linggo ay ilalabas ang ballot faces para sa buong bansa . Ang mga kandidato para sa senador, ang pinal na mumero ay 66. Dagdag pa ni Garcia, hindi sila nakakuha ng TRO (temporary restraining order) mula sa Korte Suprema.

Ang tinutukoy ni Garcia ay ang 117 iba pang kandidato na idineklarang nuisance candidate.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Garcia ang 66 na kandidato na magiging alphabetical ang kanilang paglalagay sa balota.

Samantala, sinabi ni Garcia na tinitignan nila na simulan ang pag-imprenta ng mga balota sa unang bahagi ng Enero.

Binanggit din ni Garcia na inurong nila ang simula ng pag-imprenta ng mga balota mula sa kalagitnaan ng Disyembre hanggang unang bahagi ng susunod na taon upang magkaroon ng panahon na resolbahin ang mga nakabinbing mga nuisance cases.

Iniulat din niya na 80 porsyento ng mga lokal na kaso ng nuisance ay nalutas na. May kabuuang 43,033 kandidato para sa pambansa at lokal na posisyon ang naghain ng kanilang mga certificate of candidacy para sa darating na botohan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)