Home HOME BANNER STORY 664 Luzon barangay, nanganganib sa baha at landslide—DENR-MGB

664 Luzon barangay, nanganganib sa baha at landslide—DENR-MGB

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources–Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) na 664 barangay sa Luzon, kabilang ang 412 sa Metro Manila, ang posibleng maapektuhan ng pagbaha, landslide, flash flood, at debris flow mula Hulyo 3 hanggang 6, dulot ng Low Pressure Area (LPA) at habagat.

Batay ito sa Geohazard Advisory No. 1 ng ahensya, gamit ang rainfall accumulation forecast sa ilalim ng READY Program para sa epektibong community-based disaster risk management.

Sa NCR, kabilang sa mga barangay na nanganganib ay ang:

117 sa Maynila

114 sa Quezon City

16 sa Marikina

1 sa Pasig

164 sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela

Paliwanag ng MGB, binaba ang threshold values sa NCR dahil hindi agad sumisipsip ng tubig ang lupa sa mga urban area, na nagdudulot ng surface runoff at pagbaha.

Sa Northern at Central Luzon, kabilang sa listahan ang:

118 barangay sa Cagayan

105 sa Isabela

81 sa Zambales

36 sa Bataan

2 sa Apayao

2 sa Kalinga

25 sa Ilocos Sur

Pinaalalahanan ng MGB ang mga LGU at DRRM councils na magpatupad ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na may mataas na panganib, linisin ang mga ilog, at bantayang mabuti ang mga nasa tabing-ilog.

Pinayuhan din ang mga lugar na hindi pa kasama sa listahan na manatiling alerto sa posibleng biglaang pagbabago ng panahon. Santi Celario