Home NATIONWIDE 67 arestado sa 2 buwang cybercrime ops ng PNP

67 arestado sa 2 buwang cybercrime ops ng PNP

174
0
Hacker in data security concept. Hacker using laptop. Hacking the Internet. Cyber attack.

MANILA, Philippines – Inaresto ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang 67 katao sa 60 operasyon mula Enero hanggang Pebrero dahil sa paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).

Target ng operasyon ang mga sangkot sa ilegal na pagbebenta at paggamit ng financial accounts tulad ng ATM, online banking, at e-wallets na ginagamit bilang “money mules” sa scams, online fraud, illegal gambling, at phishing.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., “Hindi biro ang epekto ng ganitong uri ng panlilinlang… These are not victimless crimes.”

“Sa ating mga kababayan, huwag basta ipagamit o ipagbili ang inyong bank accounts o e-wallets… maaari kayong managot sa batas… Stay alert, verify transactions, and report suspicious activities immediately,” dagdag na paalala niya.

Binigyang-diin ng PNP na patuloy ang kampanya laban sa cybercrime upang maprotektahan ang publiko at ang financial system.

“Hindi kami titigil hangga’t napapanagot ang mga sangkot at napoprotektahan ang publiko,” dagdag ni Nartatez. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here