BATAAN, Philippines – Umabot sa 68 indibidwal na nasangkot sa iba’t-ibang kaso ng krimen ang nadakip ng mga awtoridad sa isang linggong ikinasang mga serye ng Anti-Criminality Opetations ng pulisya iba’t-ibang lugar sa Bataan.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Resulta ito sa isang linggong (April 27 to May 3) mga ikinasang anti-illegal Drug operations, Illegal Gambling, Illegal Fishing at iba pang kaso ng krimen, kung saan kabilang dito ang pinaigting na police visibility at check point operations.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. (ROEL TARAYAO)