Home NATIONWIDE 6,832 magsasaka sa Zambo Peninsula, binigyan ng lupa, markinarya, pinalaya sa utang

6,832 magsasaka sa Zambo Peninsula, binigyan ng lupa, markinarya, pinalaya sa utang

50
0

MANILA, Philippines –  Namahagi ang Department of Agrarian Reform Region IX (Department of Agrarian Reform) ng mga titulo ng lupa, condonation of debt, at makinaryang pansaka sa libu-libong Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Zamboanga Peninsula upang mapabuti ang kanilang kabuhayan.

Layunin ng programa na tuluyang maipasa sa mga magsasaka ang pagmamay-ari ng lupa, mapalaya sila sa utang, at mapataas ang kanilang kita, ayon sa ahensya.

Kabuuang 3,239 Condonation with Release of Mortgage (CoCRoMs) na sumasaklaw sa 11,003.54 ektarya ang ipinamahagi sa 6,832 ARBs sa Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay. May karagdagang 147 CoCRoMs na sumasaklaw sa 3,787 ektarya ang ipinagkaloob sa 143 ARBs sa Sulu.

Namahagi rin ang ahensya ng 219 titulo ng lupa na sumasaklaw sa 298.95 ektarya para sa 204 ARBs, kabilang ang 59 regular titles at 160 e-titles sa ilalim ng Support to Parcelization for Individual Titling (SPLIT) project.

Bukod dito, 26 yunit ng farm machinery at equipment na nagkakahalaga ng ₱11.01 milyon ang ipinagkaloob sa 16 agrarian reform organizations na makikinabang ang 4,272 ARBs.

Pinangunahan ang pamamahagi ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III kasama ang mga opisyal ng ahensya.

Ayon kay Estrella, bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan upang mapabuti ang buhay ng mga magsasaka.

“Hindi lang ito simpleng pamamahagi—ito ay hakbang tungo sa mas maayos at mas panatag na buhay ng ating mga magsasaka,” aniya.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Joseph Vallecer, kinatawan ng mga ARBs, at sinabing malaking tulong ang programa sa pagpapaunlad ng kanilang lupa at seguridad ng kanilang pamilya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here