MANILA, Philippines – Bukas na sisimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsira sa anim na milyong rejected printed balllots para sa 2025 elections.
Nilinaw ng Comelec na ang naturang mga balota ay mga nasayang na printed official ballots matapos magpalabas ng temporary Restraining Order o TRO ang kataas-taasang Hukuman laban sa diskwalipiksyon ng ilang aspirante.
Isasagawa ang pagsira sa mga rejected ballots at ballot trimmings sa warehouse ng komisyon sa Sta. Rosa, Laguna.
Pangungunahan ito nina Comelec Chairman George Erwin Garcia, Commissioner Rey Bulay na dadaluhan ng mga kintawan mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, National Citizens Movement for Free Elections o NAMFREL, Legal Network for Truthful Elections o LENTE at pllitical parties.
Maaalala na sinuspinde ang pag-impreta ng mga balota noong Enero dahil hindi kasama ang pangalan ng ilang kandidato na nakakuha ng TRO sa SC.
Ang nasabing mga kandidato ay una nang diniskwalipika ng Comelec. Jocelyn Tabangcura-Domenden