Home NATIONWIDE Lolong rebelde nagbalik-loob sa gobyerno

Lolong rebelde nagbalik-loob sa gobyerno

BULACAN – Isang lalaking 64-anyos na umano’y dating miyembro ng Bagong Hukbong Bayan ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa lalawigang ito.

Kinilala ng mga awtoridad ang sumukong dating rebelde na si alyas “Ka Louis”, mangingisda, residente ng Brgy. Tibagin.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Satur Ediong, sumuko sa tanggapan ng Bulacan1st PMFC sa nasabing kampo ang dating rebelde bandang 1:25 ng tanghali nitong Marso 13.

Kusang-loob na isinuko niya sa mga awtoridad ang isang snub-nosed caliber 38 revolver na walang serial number na may dalawang bala.

Sinasabing nag-ooperate ang dating rebelde sa coastal areas ng Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales ang sumukong rebelde.

Nasa kostudiya ng 1st PMFC ang dating mangingisdang rebelde para sa investigation at custodial debriefing. Dick Mirasol III