Home NATIONWIDE Comelec ‘di pa sigurado sa plano kung mananalo si Duterte bilang Davao...

Comelec ‘di pa sigurado sa plano kung mananalo si Duterte bilang Davao mayor

MANILA, Philippines – Hindi pa sigurado ang Commission on Elections (comelec) kung paano haharapin sakaling manalo sa mayoralty race sa May elections si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi pa malinaw kung maaaring magsilbi ang isang kandidato na may kaso sa ibang bansa.

Aniya, ang Department of Interior ang Local Government (DILG) ang may kapangyarihang magdeklara ng bakanteng posisyon sa isang local government units o LGU kung hindi kayang gampanan ang tungkulin dahil sa pagkakakulong.

“Technically yung jurisdiction– yung teritoria jurisdiction abroad, wala tayo sa ating bansa,” ayon pa kay Garcia.

Dagdag ni Garcia, kapag hindi makapag-assume o makapag-perform ng functions ang isang kandidato ay may temporary vacancy na itatatag. Jocelyn Tabangcura-Domenden