Home METRO 7 kabahayan inararo ng trak; 6 patay sa Samar

7 kabahayan inararo ng trak; 6 patay sa Samar

SAMAR – Patay ang anim na tao matapos mabangga ng isang trak ang pitong bahay sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Caglanipao Sur, Tinambacan District sa Calbayog City.

Anim na indibidwal, kabilang ang dalawang senior citizen at isang menor de edad, ang iniulat na dead on arrival sa ospital, habang ang isang sugatang 27-anyos ay under observation.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang driver na sinabing pumalya ang preno ng kanyang minamanehong trak.

Tinatayang nasa P700,000 ang halaga ng mga pinsala. Santi Celario