MANILA, Philippines – Arestado ang pitong Chinese nationals sa human trafficking ng kasambahay na nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang high-end subdivision sa Parañaque City.
Sa presentasyon ng NBI sa na-rescue nilang kasambahay, ikinulong ng mga Chinese national ang kasambahay matapos niyang madiskubre na illegal POGO HUB operation ang 3rd floor ng pinapasukan bilang kasambahay.
Na-rescue ng NBI ang kasambahay na si LetLet matapos na magkaroon ng pagkakataon na makontak ng biktima ang kaibigang driver na siyang humingi ng tulong sa NBI Pasay Headquarters na agad na nagsagawa ng operation.
Ayon kay NBI Director Santiago, agad na ikinasa ang operasyon ng NBI sa Multinational Village sa Lunsod ng Paranaque kung saan ikinulong sa naturang bahay ang katulong matapos na mabuking na illegal POGO operation pala ang 3rd floor ng inuupahang bahay.
Hindi rin umano napapasahuran ng tama si LetLet bilang kasambahay na ang kasunduan na buwanang sahod ay P18,000.00 subalit ang natatanggap lamang niya ay P7,000 lamang.
Nahaharap naman sa patung patong kaso ang naarestong pitong Chinese nationals bukod pa sa kasong human trafficking .
Pinag-aaralan din ng NBI kung may pananagutan din ang may-ari ng bahay at ang Home Owners Association ng Multinational Village sa pagkakadiskubre ng illegal POGO operation sa kanilang nasasakupan. Dave Baluyot