KORONADAL CITY – Pitong pasahero ang binawian ng buhay, at isang tao ang malubhang nasugatan nang mabangga ang isang van sa barangay road sa Tupi, South Cotabato, nitong Lunes ng hapon.
Kinumpirma ni Emil Sumagaysay, municipal disaster risk reduction and management officer, na lahat ng pitong biktima, residente ng Northern Mindanao, ay namatay on the spot.
Nakaligtas ang driver ng Mitsubishi FB van ngunit nagtamo ng matinding pinsala.
Ang grupo ay nagbabakasyon sa Polomolok at bumisita sa isang tourist site sa Tupi bago ang malagim na insidente.
Ayon kay Sumagaysay, pumalya ang preno ng van, kaya napilitan ang driver na bumangga sa isang puno sa gilid ng kalsada upang ihinto ang sasakyan sa pababang bahagi ng kalsada sa Barangay Cebuano. RNT