Home NATIONWIDE P70.7M lotto jackpots ‘di natumbok

P70.7M lotto jackpots ‘di natumbok

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa major lotto jackpot prizes na ibinola ng Philippine Charity Sweepstakes nitong Lunes ng gabi, Disyembre 23, 2024.

Ang Megalotto 6/45 jackpot ay pumalo sa P41,069,178.40 na ngayon matapos walang mananaya ang nakahula ng tamang kumbinasyon na 07-41-35-25-03-01.

Wala ring nanalo sa isa pang major lotto draw, Grand Lotto 6/55 na may P29,700,000 jackpot kung saan hindi nahulaan ang winning combination na 24-14-22-41-10-52. RNT