Home OPINION POLITICS OF IMPEACHMENT: REMOVE SARA HANGGA’T BBM PRESIDENTE  

POLITICS OF IMPEACHMENT: REMOVE SARA HANGGA’T BBM PRESIDENTE  

238
0

ANG impeachment  laban kay Vice President Sara Duterte ay parang basketball game. Sa isang panig ang mga pro Pangulong Bongbong Marcos ay nagmamadaling ma impeach si Sara hanggat si BBM pa presidente.  At ilan buwan na lamang yun.  Pag hindi nila nagawa – GAME OVER sila.

Ang tropa naman ni VP Sara has  to make sure no impeachment proceedings will happen hanggang matapos na si BBM. At alam ng kampo ni VP SARA  na batay sa mga mapagkakatiwalaang survey ay tatalunin nito ang sinomang kandidato ni BBM o ng kahit sino pang ayaw kay SARA.

Para sa bayan ba ang pinaglalaban ng magkabilang panig?  Sa pulitika kasi kung ano ang bias mo yun ang para sa bayan. Pagnarinig mo ang mga sinasabi ng mga ayaw kay SARA ay yun daw ang gusto ng bayan ang ma impeach si SARA. Sa tropa naman ni SARA  ay ang nais ng bayan ay SARA FOR PRESIDENT.

Pero sa totoo lang bawat panig cannot speak for ALL FILIPINOS.  HINDI UNANIMOUS ANG BAYAN. KAYA WALANG POLITIKO ANG MAKAKAPAGSABI NA ITO ANG GUSTO NG BAYAN! Kaya nga may rule ng majority sa demokrasya. Kaya nga may eleksyon. At may posibilidad na the best candidate MIGHT NOT WIN! Pero ganun ang demokrasya.  At para sa mga ayaw kay SARA para sigurado na panalo sila ay dapat hindi makatakbo si SARA bilang presidente o kung may mangyari man kay BBM, hindi maging presidente si SARA.

Bakit ba ayaw nila kay SARA? Para sa bayan o para sa sariling interes nila?

Sa kabilang banda ang mga maka SARA naman ay para sa bayan o para sa interes nila?

Ang dapat sumagot nyan ay ang taumbayan. At kung sino ang mas nakararami iyon ang masusunod. Mali man sila o hindi- majority prevails. 
Kaya tama naman si Senator Alan Cayetano – talunin niyo si Sara sa eleksyon. 

Pero bakit gusto ng mga anti-SARA na ma-impeach siya?  Constitutional duty ba nila? Magiging patas ba sila sa proseso?  O sa tingin nila na hindi nila tatalunin si Sara at delikado ang bayan kapag siya’y naging presidente. In other words  nais nilang sagipin ang bayan sa kagustuhan ng mas maraming pilipino?

E teka kailangan mapanagot si SARA sa paglustay ng confidential funds? Tama. Pero kailangan din natin panagutin ang mga mandarabong na male-maletang pera ang ninakaw sa bayan. Bakit si SARA lang? Dahil si SARA lang ang maaring maging presidente kahit may issue ng katiwalian?

So solusyon ng mga politiko kalaban ni SARA – IMPEACHMENT at idisqualify siya sa pagtakbo bilang presidente. 
Sa impeachment kasi sila masusunod. Si SARA ang lilitisin. Kailan naman mananaay ang akusado sa lilitis at huhusga sa kanya?  May due process naman di ba?

Paano magkakaroon ng patas na pangdinig kung OPENLY AY AGAINST SILA KAY SARA. Paano magiging patas ang proseso kung SA ISIP SALITA AT PUSO ng mga kongresman o senador ay guilty na si SARA?Kahit na sabihin na natin IN GOOD FAITH ang mga ito na nais nilang iligtas ang bayan kay Sara, BIASED PA RIN SILA. SA PAGLILITIS. DAPAT AY IMPARTIAL ANG HUHUSGA . 

Ang impeachment ay numbers game.  Ang election ay numbers game. Parehong paramihan ng boto ang proseso. Pero ano ang nais natin- number game ng mga politiko o number game ng higit na nakararaming pilipino.LET SARA RUN FOR PRESIDENT AND LET THE PEOPLE DECIDE.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here