HINDI na biro-biro ang sobrang preyo ng langis.
Mula P150 kada litro ng diesel, ngayong P170.
Ang sa gasolina, nagdoble na rin at mahigit nang P100 kada litro, maging ang kerosene.
Nagdoble na rin ang sa liquified petroleum gas.
May pumapasok namang krudo at mga produktong petrolyo mula Russia, Malaysiya, Singapore at iba pa sa Pinas.
Ngunit mismong ang Malakanyang ang nagsasabing hindi bababa ang presyo.
NAPAKASAMANG BUNGA
Ngayon, huminto na sa biyahe ang maraming jeepney samantalang ang mga bus, hindi na basta na bibiyahe kung hindi puno.
‘Yun bang === wala nang masakyan, mabagal pa ang biyahe ng lahat.
Paralisado ang kilos ng mga obrero sa mga pabrika, maging sa gobyerno, at mabagal ang galaw ng kalakal.
Mapa-traysikel o jeepney at ilang kompanya ng bus at taxi.
Tanging ang mga bus na panlalawigan ang nagtaas ng pamasahe kahit bawal at mga barko na hindi pinagbabawalan.
Naniningil na rin ng dagdag-pasahe ang mga eroplano.
Nagmamahal na rin ang lahat ng bilihin, maging ang bigas at mga ulam.
Kahit mga delata nagmahal na rin kahit sinasabing hindi nagtaas ng presyo ang mga manufacturer at magtatagal sa loob ng isang buwan.
Pinakamatinding bunga ng krisis sa langis?
Lumalaganap na gutom.
Nakatatakot ito kung magbunga ng mga krimen gaya ng pagnanakaw, holdap, kidnapping at iba pa.
AKSYON DAPAT MABILIS AT SAPAT
Sobrang bilis ang pangyayari na ikinahihirap at ikinagugutom ng marami o milyon-milyong mamamayan at ikinalulugi, lalo na ng maliliit na negosyante.
Ngunit ano na ang ginagawa ng pamahalaan?
Bukod sa ayuda na pili lamang ang nakikinabang na kulang-na kulang pa, sobrang bagal ang aksyon ng pamahalaan.
Hanggang ngayon, natatali ang gobyerno sa batas na magtatapyas o magsususpinde sa excise tax sa diesel, gasolina, kerosene at LPG.
Wala rin itong aksyon sa panawagan na suspindehin ang value added tax sa langis, at lalong wala itong aksyon para pansamantalang hawakan operasyon ng mga kompanya na langis para mapigilan ang pagsamantala sa presyo ng mga ito.
Ang mga aksyon sa industriya ng langis at buwis ang pinakamabisang panlaban sa oil crisis.
Pero hindi lang kulang kundi wala na sa timbang ang pagkilos ng pamahalaan para isalba ang sambayanan sa krisis na gawa ng mga Amerikano na dini-Diyos ng mga opisyal ng pamahalaan.
Napakabibilis ang mga opisyal sa mga kikbakan at nakawan ngunit wala silang sapat at mabilis na pagkilos para sa kapakanan ng taumbayan.
MAG-INGAT SILA SA GALIT NA TAUMBAYAHN
Ang pinakakatakot, mga Bro, ay kung mag-isip ang nakararami na ipasakamay nila ang solusyon sa mga problema ng paghihirap, gutom at pagkalugi dahil sa oil crisis at kawalan o kabagalan ng aksyon ng pamahalaan dito.
Hanggang ngayon, higit na inaatupag, lalo na ng matataas na opisyal ng pamahalaan, ang impeachment at agawan sa kapangyarihan para makapagpayaman.
Saan kaya tayo patutungo at pupulutin kung mangyari ito?
Omaygad!






