Home METRO 73-anyos kumasa sa hamon ng alkalde na magpatuli

73-anyos kumasa sa hamon ng alkalde na magpatuli

LAPU-LAPU CITY, Cebu- HINDI inurungan ng isang 73-anyos na lolo ang hamon ng kanilang alkalde sa panawagan na magpatuli kasama ang ilang kalalakihan, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Kwento ni lolo, hindi niya nagawang magpatuli noong 16-anyos pa lamang siya sa takot na may mangyari sa kanya dahil sa tradisyunal na pamamaraan ng pagtuli.

Aniya, sa kabila ng hindi pa niya pagiging tuli, biniyayaan siya ng 7-anak at 62 apo kabilang mga apo sa tuhod.

Nagpapasalamat din siya kay Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan, na doble pa sa P10,000 ibinigay sa kanya .

Nanawagan ang alkalde na magbibigay siya ng P10,000 sa mga kalalakihan na magpapatuli na lagpas sa edad 20 pataas./Mary Anne Sapico