RIZAL – Patay sa 50-taong-gulang na kapitbahay ang 75-taong-gulang na lalaki gamit ang isang metal na tubo sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal noong Enero 15.
Ayon sa ulat ng pulisya, ilang saksi ang nakakita sa suspek na si alyas ‘Romy’ na paulit-ulit na pinapalo ang ulo ng biktima ng tubo, dahilan upang siya ay mag-collapse at agad na mamatay.
Tumakas ang suspek matapos ang insidente ngunit nahuli rin sa follow-up operation.
Napag-alaman sa imbestigasyon na matagal nang may alitan ang dalawa dahil sa kanilang paraan ng pagtatapon ng basura.
Si Romy ay kasalukuyang nakakulong sa Taytay Custodial Facility at nahaharap sa kasong murder. RNT