Home METRO Salon owner utas sa GenSan; 2 suspek kilala na

Salon owner utas sa GenSan; 2 suspek kilala na

GENERAL SANTOS CITY – Binaril hanggang sa mapatay ang isang 35-taong-gulang na may-ari ng beauty salon ng isang lone gunman sa General Santos City noong Miyerkules ng gabi.

Pumasok ang suspek sa salon na pagmamay-ari ng biktimang kinilalang si Renante Tampus bago mag-7 p.m. at pinaputukan ang biktima.

Nakita ng mga saksi na mabilis tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo kasama ang isang kasabwat.

Dinala si Tampus, isang miyembro ng LGBT community, sa ospital ngunit idineklara siyang patay. Nakilala na ng mga awtoridad ang mga suspek at nagsasagawa ng manhunt operation.

Ayon sa awtoridad na posibleng away-negosyo o personal ang dahilan ng pagpaslang.

Samantala, kinilala na ng awtoridad ang dalawang suspek sa pamamaril.

Ayon sa isang panayam, sinabi ni P/Capt. Cyrus Vince Arro ng Pendatun Police Station na kilala na nila ang dalawang suspek ngunit hindi pa niya isinapubliko ang pangalan ng mga ito dahil sa isinasagawang hot pursuit operation upang mahuli ang mga suspek. RNT