Home NATIONWIDE 75K trabaho sa mga Pinoy na bunga ng foreign trips ni PBBM,...

75K trabaho sa mga Pinoy na bunga ng foreign trips ni PBBM, naka-abang na – DOLE

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa may 75,000 na mga potensiyal na trabaho ang naghihintay sa mga Filipino.

Bunga ito ng mga naging pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa labas ng bansa.

Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa press briefing sa Malakanyang na manggagaling ito sa sektor ng enerhiya kabilang na ang renewable energy.

Aniya, nagma-materialize na ang naging pakikipag-usap ng Pangulo sa mga pinuntahan nitong bansa.

Malaki aniya ang posibilidad na magbibit ito ng job generation sa mga manggagawang Filipino.

Kabilang aniya rito ang mga bansang
Germany, Singapore, Estados Unidos at The Netherlands na nagpahayag ng kanilang commitment para maglagak ng kanilang negosyo sa bansa.

Samantala, sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang DOLE sa DTI at DOT ukol dito para matingnan din naman ang available manpower para sa naturang malaking job demand na naghihintay sa mga mamamayan. Kris Jose