Home NATIONWIDE PCG aminadong may kapabayaan sa Binangonan tragedy

PCG aminadong may kapabayaan sa Binangonan tragedy

MANILA, Philippines – Aminado si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Artemio Abu na may kapabayaan sa kanilang mga tauhan at matapang nilang tinatanggap ang kahihinatnan ng kanilang naging aksyon.

Sa pagdinig sa Senado, inamin ni Abu na may malinaw na kapabayaan sa kanilang mga tauhan bago ang pagtaob ng M/V Princess Aya sa Laguna de Bay na nagresulta sa pagkamatay ng 27 pasahero.

Ayon kay Abu, base sa kanilang imbestigasyon, napatunayan na may kapabayaan sa kanilang tauhan.

“Yes, our personnel [have] really committed negligence. It is clear that we have had lapses. We are aware of this,” pahayag ni Abu.

“Ayoko nang masyadong lagyan pa ng asin ang sugat, pero syempre kailangan managot sila,”sagot naman ni Senador Grace Poe.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na nagkaroon ng overloading ang bangka bukod pa sa pawang mga hindi nakasuot ng life vest ang mga pasahero.

Ang mga tauhan ng PCG na nakatalaga sa BInangonan station ay una nang tinanggal sa puwesto ni Abu.

“Ni-relieve po natin sila. Ang substation commander na siyang hindi nag inspect o hindi [tumingin] doon sa [motorbanca] at yung kanyang immediate supervisor ay meron na po tayong sanction,” sabi ni Abu. Jocelyn Tabangcura-Domenden