Home NATIONWIDE 7,674 OFWs, naka-uwi mula sa MidEast crisis — DMW

7,674 OFWs, naka-uwi mula sa MidEast crisis — DMW

88
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Abril 26, umabot na sa 7,674 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang dependents ang nakabalik sa Pilipinas mula nang sumiklab ang krisis sa Middle East halos dalawang buwan na ang nakalipas.

Sa naturang bilang, 7,051 ang na-repatriate gamit ang pondo ng gobyerno, kabilang ang 5,669 OFWs at 1,382 dependents.

Sinabi ng ahensya na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang repatriation at reintegration programs para sa mga Pilipinong gustong umuwi.

“Patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang repatriation at reintegration programs alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., upang matiyak ang kaligtasan ng mga OFW at masuportahan ang kanilang maayos na pagbabalik at panibagong pagsisimula sa bansa,” ayon sa DMW.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, patuloy ang paghahanda ng ahensya para sa posibleng mas malawak pang repatriation, kabilang ang pagtatayo ng meeting points, exit points, at fly-out arrangements para sa mga uuwi.

Nakikipag-ugnayan din ang DMW sa Kongreso para sa posibleng emergency funding upang mas matulungan ang mga OFW at kanilang pamilya sa panahon ng krisis.

Ang sigalot sa Middle East ay nagsimula noong Pebrero 28 matapos ang joint military operation ng Israel at US laban sa Iran, at patuloy na nakaapekto sa rehiyon hanggang sa mga karatig-Gulf states. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here