MANILA, Philippines – Nanawagan ang Philippine Movement for Climate Justice sa pamahalaan na magdeklara ng national climate emergency dahil sa epekto ng tagtuyot sa bansa.
Ayon sa PAGASA, 15 probinsya sa Luzon ang apektado ng drought.
Sinabi ni Laica Rayel ng PMCJ na bumaba ang ani ng mga magsasaka dahil sa kakulangan ng tubig at mataas na gastos sa produksyon.
Sa Cagayan at Isabela, idineklara na ang state of calamity dahil sa matinding tagtuyot. Ayon sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa mahigit ₱10.29 bilyon ang pinsala sa agrikultura at libo-libong magsasaka at mangingisda ang apektado.
Dahil dito, maaari nang gamitin ng lokal na pamahalaan ang calamity fund para sa relief, restoration, at rehabilitasyon.
Naglabas din ang PAGASA ng El Niño Alert, na may 70% tsansa na mabuo mula Hunyo hanggang Agosto at posibleng tumagal hanggang early 2027.
“[M]ost climate models combined with expert judgements suggest 79% chance of El Niño emerging in June-July-August (JJA) 2026 season and is likely to persist until early 2027. With this development, the DOST-PAGASA ENSO Alert and Warning System is now raised to El Niño Alert,” ayon sa PAGASA.
Dagdag nito: “During an El Niño event, there is an increased possibility of drier-than-usual conditions, which can lead to negative impacts such as droughts and dry spells in some parts of the country. However, above-normal rainfall conditions may also be experienced over the western section of the country during the Southwest Monsoon (Habagat) season,”
Nauna nang inanunsyo ng PAGASA ang pagtatapos ng Amihan noong Marso 23, hudyat ng pagsisimula ng tag-init.
Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa heat stress at uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration. RNT/MND