MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways na bubuksan muli ang EDSA Ortigas Interchange sa mga light vehicles simula Lunes.
Pansamantalang isinara ang interchange upang bigyang-daan ang pagkukumpuni matapos ang insidente ng sunog sa bus sa lugar.
Ayon sa DPWH, nanatiling sarado ang interchange nitong Linggo, Abril 26, habang isinasagawa ang paglilinis ng apektadong bahagi, pag-aayos ng mga nasirang road safety devices, at load testing.
“The Interchange will be reopened to LIGHT VEHICLES ONLY tomorrow, April 27, 2026 (Monday),” ayon sa ahensya.
Sa pagbubukas nito, ang Metropolitan Manila Development Authority ang mangangasiwa sa daloy ng trapiko sa lugar.
Matatandaang nasunog ang isang passenger bus sa southbound lane ng flyover noong Biyernes bandang 6:10 p.m., na naging dahilan ng pansamantalang pagsasara nito. RNT/MND