Home METRO 780 dagdag-kaso ng COVID naitala mula Agosto 28 ‘gang Setyembre 3

780 dagdag-kaso ng COVID naitala mula Agosto 28 ‘gang Setyembre 3

MANILA, Philippines – Ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 780 bagong kaso sa bansa mula Agosto 28 hanggang Setyembre 3.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 111 na mas mababa ng 3 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 21 hanggang 27.

Sampu (10) sa mga bagong kaso, ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang lima na pumanaw kung saan walang naganap noong Agosto 21 hanggang Setyembre 3.

Noong ika-3 ng Setyembre 2023, mayroong 291 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 1,542 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 166 (10.8%) ang okupado.

Nasa 1,982 (13.9%) ng 14,307 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Ayon sa DOH, higit sa 78 milyong indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series. Jocelyn Tabangcura-Domenden