CONGO – Umakyat na sa 782 ang kumpirmadong kaso ng Ebola sa Democratic Republic of Congo matapos ang nadagdag na 72 bagong kaso sa nakalipas na 24 na oras.
Ito na ang pinakamalaking pagtaas na bilang sa isang araw lamang sa nagpapatuloy na outbreak.
Kabilang sa kumpirmadong kaso ng Ebola ang 181 nasawi, ayon sa datos ng pamahalaan.
Nananatili naman sa tatlong probinsya ng Congo na Ituri, North Kivu, at South Kivu ang mga kaso nito. RNT/JGC