MANILA, Philippines – Inaasahang haharap ngayong umaga ng Lunes, Hunyo 15 sa tanggapan ng Department of Labor and Employment si Ateneo Basketball Coach Tab Baldwin.
Noong Biyernes, pinadalhan ng DOLE ng subpoena si Baldwin kaugnay sa isyu ng pagkamatay ng dalawang basketball players ng Ateneo na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa kalagitnaan ng training noong Hunyo 9 sa isang beach resort sa Dipaculao, Aurora.
Sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na layunin ng subpoena na alamin kung mayroong alien employment permit si Baldwin sa ilalim ng labor code para magtrabaho sa Pilipinas at susuriin din kung saklaw ba ng alien employment permit ang pagsasagawa ng mga team building activities.
Maaari namang kanselahin ang alien employment permit ni Baldwin sakaling hindi ito sumipot at irerekomenda sa Bureau of Immigration ang posibleng deportation nito.
Samantala maaari namang maharap ang pamunuan ng Ateneo de Manila University sa administrative penalty at kaukulang kaso, sakaling lilitaw na walang valid work permit ang kanilang mga foreign employees at dahil sa illegal employment. Jocelyn Tabangcura-Domenden